Wednesday, October 6, 2010

A compilation of Bob Ong Quotes


Can't get enough of Bob Ong quotes? and tired of visiting soooo many sites just to get all the Bob Ong quotes? Well, well.. Here's the solution! I believed I have compiled the most popular Bob Ong quotes. *credits to my notes* Lol

1. “Ang pag-ibig parang imburnal. Nakakatakot mahulog at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.”

2. “Minsan para ka palang nagmahal ng pader. Habang mas pinagdidiinan mo itulak ang sarili mo, mas nasasaktan. Pero siya, hindi parin natitinag.”

3. “Kahit anong bagal mo kung hindi ka naman niya gustong habulin, hindi ka niya maaabutan. Kahit mag stop-over ka pa.”

4. “Mahirap pumapel sa buhay ng isang tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

5. “Ang tao aminado naman yan sa ksalanan nila. Pero kung lalo mo pang ipapamukha sa kanila na mali sila, lalo mo lang silang binibigyan ng dahilan para iwan ka.”

6. “Walang taong manhid hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.”

7. “Kung madami kang dapat gawin pero wala kang gingawa, hindi katamaran ang dahilan nun….may iniisip ka lang.”

8. “Kung ang tinapay nga na naiwan mo sa lamesa may kumukuha, yun pa kayang mga bagay na mas mahalaga sa’yo. Wala ng nagtatagal sa panahong ito at kung may iiwanan ka, siguraduhin mong hindi na iyon mahalaga.”

9. “Sa kolehiyo, madaming impluwensya ang makikita, masama o mabuti man ito. Huwag isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa pagyoyosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.”

10. “Paano mo makikita yung taong para sa’yo kung ayaw mo namang tantanan yung taong pinipilit mong maging para sa’yo.”

11. “Makakabalik ka nga sa lugar pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo pero hindi na mauulit ang nararamdaman ninyo noon. Lahat ng nagyari noon ay isa na lamang masayang gunita ngayon. Isang bintana sa kahapon, na paminsan minsan ay gusto mong masulyapan muli. Sabay bulong sa sarili sana pwedeng ibalik ang mga nangyari noon para magawa kong tama ang mga maling desisyon ng pagkakataon.”

12. “Nalaman kong hindio pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.”

13. “Hindi dahil manhid ka ay wala ka nang kakayahang manakit.”

14. “Pilit kang pinapapangit sa edad na pilit kang nagpapacute.”

15. “Hindi naman iiyak ang mundo para lang sa isang tao.”

16. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

17. “Hindi lang dahil sa manhid ka eh ayos na. para kang bato, hindi ka nga nasasaktan pero nakakasakit ka naman.”

18. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

19. “Walang mangyayari sa buhay mo hangga’t hindi ka tumitigil sa paninisi sa naging kapalaran mo.”

20. “Ito ang pinagkakaabalahan ko, gumagawa ako ng wala.”

21. “Ipinanganak akong matalino, pinili ko lang maging bobo.”

22. “Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo eh. Minsan isang tao lang ang kasama mo buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.”

23. “Minsan pala kailangan rin ng lakas para sabihing mahina ka.”

24. “Ang tamang bagay saka tamang panahon, wala na rin saysay kapag wala na yung tamang tao. Ang tao pwede mag adjust, pero ang bagay at panahon hindi.”

25. “Kung dalawa ang mahal mo. Piliin mo yung pangalawa kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

26. “Nagiging malungkot ang isang tao dahil pinipilit nya’ng maging masaya.”

27. “Kung hindi mo mahal ang isang tao. Wag kang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.”

28. “Kung tutuusin hindi naman masarap ang alak Yung kainuman mo lang ang nagpapasarap.”

29. “Tessa: Alam mo ba kung ano ang pagkakaiba ng bulag at nakakakita.?
Rogelio: Paningin????
Tessa: Hindi alam ng nakakakita kung kelan sila bulag.”

30. “Hindi mo rin naman kasi kailangang ayunan nang buong-buo ang bawat opinyong nababasa mo. Natuwa ka man o nainis, ang importante eh apektado ka. tinubuan ka ng pakialam na dati ay wala. At hindi ko yon ihihingi ng tawad. Hindi ako hihingi ng dispensa sa mga nabulabog kong konsesya.”

31. “Madaling isipin kung para saan ang pera, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ito ang nagiging sukatan ng tagumpay ng isang tao.”

32. “Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka lang.”

33. “Tinitingnan ang mga bagay para maunawaan at hindi tinititigan lang at intindihin.”

34. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-txt ng wantusawa eh may gusto sayo atmagkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

35. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

36. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

37. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba."

38. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

39. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

40. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

41. "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

42. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

43. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

44. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."

45. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

46. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

47. "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa
paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan eh nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

48. "Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

49. "Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

50. "...mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo."

51. "...madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo."

52. "mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher."

53. "Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."

54. "kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo"

55. "kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n'yo, kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko."

56. "dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.sobrang luri. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

57. "Para san ba ang cellphone na may camera?Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."

58. "ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "

59. "iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala"

60. "mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

61. "Titingnan mo ba ang basong kalahating bawas o kalahating puno?"

62. "hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan."

63. "hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

64. "Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

65. "Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan...""

66. "Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

67. "Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."

68. "Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."

69. "Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."

70. "Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"

71. "Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makiramdam? Huwag kang magpapakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan kung lagi ka rin namang nasasaktan. Dahil imbes na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?", bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat?. Kung alam mong binabalewala kana, tanggapin mong nagsasawa na sya. Huwag kang magpapadala sa salitang "sorry" at "ayokong mawala ka". Dahil kung totoo yun papatunayan nila."

72. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang,
hindi lahat matibay para sa temptasyon."

73. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak
para alagaan ang sarili mo."

74. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba.
"

75. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

76. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

77. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."


78. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin
na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."

79. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag
natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

80. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na
sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama
ka."

81. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang
puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon,
kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo
na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag
mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo:
magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso,
utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi
IKAW mismo!"

82. "nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito
multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-
blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito
hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan
ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

83. "ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "

84. "Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang
nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang
umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan
ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

85. "Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka
pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga
araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay,
sarap!)."

86. “Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

87. “Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko”

88.“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila..dahil walang
mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa “

89.“Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko.”

90.“Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.”

91.“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

92.“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

93.“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

94. Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na napili niya.

95. Minsan kelangan mo ng lakas para sabihing mahina ka.

96. …ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…

97. Sa mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga kaibigan e mabuting patayin nalang namin kayo para magparamdam kayo.

98. Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon e importante at kailangan mong matutunan.

99. Tipong pag sinabihan ka ng sorry, pwedeng sumama pa ang loob mo. Pero pag sinabihan ka na ng SUPER SORRY, naku - bawal na magtampo! Kasi super na yan.

100. Makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa ‘yo sa bisyo.

101. Hell ang high school. Cool.

102. Pag binisita ka ng idea, gana, o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon.



No comments:

Post a Comment